Ipinahayag kahapon ni Yury Ushakov, Asistente ng Pangulo ng Rusya na umaasa ang Rusya na idaraos ang pulong ng mga liaison group hinggil sa isyu ng Ukraine sa linggo na ito sa Minsk ng Belarus.
Noong ika-6 ng buwang ito, ipinatalastas ni Poetro Poroshenko, Pangulo ng Ukraine na ayon sa inisiyal na kasunduan, magtitipun-tipon muli ngayong araw ang iba't ibang panig hinggil sa isyu ng Ukraine sa Minsk, umaasa aniya siyang maisasakatuparan ang kasunduang narating nila nauna rito sa pamamagitan ng talastasang ito.
salin:wle