Kahapon ng hapon (local time), sa Belgrade, si Premiyer Li Keqiang ng Tsina ay lumahok sa Ika-3 na Pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at mga bansa ng Central and Eastern Europe (CEE). Pagkatapos nito, magkasamang nakipagtagpo sa mga mamamahayag sina Premiyer Li at Aleksandar Vučić, Punong Ministro ng Serbiya.
Ipinahayag ni Li na ang kooperasyon ng Tsina at CEE ay mahalagang bahagi ng mekanismong pangkooperasyon ng Tsina at EU. Ito ay hindi lamang makakabuti sa Tsina at mga bansa ng CEE, kundi makakabuti rin sa mabuting pag-unlad ng Europa at sa katatagan at pag-unlad ng rehiyong ito at buong daigdig.
Ipinahayag naman ni Aleksandar Vučić na ang kooperasyon ng Tsina at CEE ay makakabuti sa pag-unlad at kasaganaan ng rehiyong ito at sa komprehensibong pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Europa. Ang naturang pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at CEE ay nagpaplano ng direksyon ng kooperasyon at pangunahing larangan ng kooperasyon, at natamo nito ang mahalagang bunga.
Salin:Sarah