Nag-usap kahapon sa telepono sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina at John Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, nagpalitan sila ng mga palagay hinggil sa relasyong Sino-Amerikano, isyu ng Taiwan at insidente ng cyber attack sa Sony Pictures Entertainment.
Sa pag-usap, umaasa aniya si Wang na tunay na maisasakatuparan ang komong palagay ng mga lider ng Tsina at Amerika, mapapahigpit ang pagpapalitan, koordinasyon at kooperasyon, igagalang ang nukleong interes sa isa't isa, para mapasulong ang ibayo pang pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.
Hinggil sa insidente ng cyber attack sa Sony Pictures Entertainment, inulit ni Wang ang paninindigan ng Tsina na tinututulan ang cyber attack sa anumang porma at tinututulan rin ang pagsasagawa ng cyber attack sa pamamagitan ng instalasyon sa loob ng iba pang bansa.
salin:wle