|
||||||||
|
||
Ipinalalagay ni Xu Ningning, Direktor na Tagapagpaganap ng China ASEAN Business Council (CABC), na sa taong 2015, makikita ng Tsina at ASEAN ang mabubungang pagtutulungan sa iba't ibang larangan.
Sa isang pulong na may kinalaman sa pagtutulungang Sino-ASEAN, sinabi ni Xu na ang taong 2015 ay ika-65 anibersaryo ng pagtatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Indonesia, at ng Tsina at Biyetnam. Aniya pa, ang kasalukuyang taon ay ika-40 anibersaryo rin ng pagtatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, at ng ugnayan ng Tsina at Thailand. Dagdag pa ni Xu, ang taong ito ay ika-25 anibersaryo ng pagtatatag ng ugnayang diplomatiko ng Tsina at Singapore. Batay rito, ang Tsina at nasabing mga bansang ASEAN ay magsasagawa aniya ng isang serye ng mga bilateral na aktibidad ng pagpapalitan at pagtutulungan.
Bukod dito, sinabi ni Xu na bago magtapos ang 2015, nakatakdang itatag ang ASEAN Community, Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), at upgrading ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA).
Ang 2015 ay Taon ng Pagtutulungang Pandagat ng Tsina at ASEAN.
Idinagdag pa ni Xu na ang target ng kalakalan ng Tsina at ASEAN sa taong ito ay 500 bilyong US dollars.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |