Sinabi kahapon ni Henry Bambang Soelistyo, Puno ng Pambansang Sentro ng Paghahanap at Pagliligtas ng Indonesia na nakatakda nilang irekober ngayong araw ang buntot ng bumagsak na Flight QZ 8501 ng AirAsia para kumpirmahin kung nadoon pa rin ang black boxes.
Idinagdag pa niyang apatnapu't apat (44) na labing kabilang sa 162 pasahero at tauhang sakay ng nasabing eroplano ang narekober. Ipinagdiinan din niyang ang pagrerekober ng labi ng mga nasawing pasahero at tauhan ng eroplano ay nagsisilbi pa ring priyoridad ng kanilang gawain.
Bumagsak ang eroplano sa Java Sea habang lumilipad ito mula sa Surabaya papuntang Singapore noong ika-28 ng Disyembre, 2014.
Salin: Jade