Ayon sa inisyal na kalkulasyon ng estadistikang ipinalabas ngayong araw ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, noong 2014, umabot sa mahigit 63.64 trilyong yuan RMB ang GDP ng Tsina. Ito ay lumaki ng 7.4% kumpara noong taong 2013, kung comparable price ang pag-uusapan.
Sa news briefing ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina sa Beijing, sinabi ni Ma Jiantang, Direktor ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, na noong isang taon, medyo mainam ang kalagayan ng produksyong agrikultural. Umabot na sa 607.10 milyong tonelada ang output ng pagkaing-butil sa buong bansa, na lumaki ng 0.9% kumpara noong 2013. Nasa makatwirang lebel ang takbo ng produksyong industriyal. Lumaki ng 8.3% ang added value ng industry above designated size ng buong bansa na kung comparable price ang pag-uusapan. Matatag sa kabuuan ang pangkalahatang kalagayan ng hanap-buhay. Noong katapusan ng nagdaang taon, 772.53 milyong tao ang naghanap-buhay sa buong bansa.
Salin: Vera