|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan ni Ong Chong Yi, Minister Counsellor ng Pasuguan ng Malaysia sa Tsina na sa proseso ng magkakasamamg pagtatatag ng 21st Century Maritime Silk Road, kailangang patingkarin ang papel ng hay-tek.
Idinagdag pa niyang halimbawa, maaring gamitin ang hay-tek para mapaginhawa ang pag-aangkat ng mga panindang dayuhan, at maari ring itatag ang e-commerce platform para mabawasan ang gastos sa kalakalan.
Winika ito ni Ong sa Porum na Pangkabuhayan ng Media sa Wikang Tsino sa Daigdig na may kinalaman sa Belt and Road Initiative. Binuksan kamakalawa ang Porum sa Hainan, lalawigan sa dulong timog ng Tsina.
Noong 2013, iniharap ng Tsina ang dalawang proposal hinggil sa magkakasamang pagtatatag ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road na tinatawag ding "Belt and Road Initiative."
Ang land-based na Silk Road Economic Belt na nagsisimula sa Tsina ay dumadaan sa Central Asia at Rusya, hanggang sa Europa. Samantala, ang 21st Century Maritime Silk Road ay nagsisimula rin sa Tsina, patimog sa teritoryo ng mga bansa ng Timog-silangang Asya. Mula naman sa Malacca Strait, tumutungo pakanluran ang Maritime Silk Road sa mga bansa sa baybayin ng Indian Ocean. Pagkatapos, dumadaan ito sa Gitnang Silangan at Silangang Aprika at nag-uugnay sa land-based Silk Road sa Venice.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |