Sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Sofian Cherrie, Ministrong Pangkabuhayan ng Indonesia
Nagtagpo kahapon sa Beijing sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Sofian Cherrie, Ministrong Pangkabuhayan at Espesyal na Sugo ng Pangulo ng Indonesia na lumahok sa kauna-unahang pulong ng mataas na diyalogong pangkabuhayan ng dalawang bansa.
Sinabi ni Li na mayroong komong kapakanan ang Tsina at Indonesia. Nakahanda ang kanyang bansa na tulungan ang konstruksyon ng Indonesia sa industriya at imprastruktura.
Sinabi naman ni Sofian Cherrie na winewelkam ng kanyang bansa ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina at pagsasagawa ng kooperasyon ng dalawang bansa sa imprastruktura. Matatag ang pananalig ng kanyang bansa sa teknolohiya, at kagamitan ng Tsina para tulungan ang pag-unlad ng pambansang kabuhayan.