Sinabi kamakailan ni Pangalawang Pangulong Yusuf Kalla ng Indonesia na ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Community na nakatakdang itatag sa katapusan ng taong ito ay magdudulot ng kapuwa pagkakataon at hamon para sa kanyang bansa.
Winika ito ni Kalla sa isang pulong ng mga media ng ASEAN sa Batam.
Ipinagdiinan niyang ang pagtatatag ng ASEAN Community ay magpapalawak ng pamilihan ng mga kasaping bansa at magpapalakas din ng kanilang kakayahang kompetetibo.
Idinagdag pa niyang ang pagpapabuti ng sistema ng produksyon at sistemang pangkalakalan ay ang hamong magkakasamang kinakaharap ng mga bansang ASEAN.
Salin: Jade