Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

30 bansa, tinalakay ang pagtatatag ng 21st Century Maritime Silk Road

(GMT+08:00) 2015-02-12 10:07:33       CRI
Binuksan kahapon sa Quanzhou, lunsod ng lalawigang Fujian sa dakong timog-silangan ng Tsina ang dalawang-araw na Pandaigdig na Seminar sa 21st Century Maritime Silk Road. Ang tema ng seminar ay "Magkakasamang Pagtatatag ng 21st Century Maritime Silk Road at Paglikha ng Komunidad na May Komong Tadhana."

Kalahok ang mga dalubhasa mula sa iba't ibang bansa sa diskusyon sa Seminar

Kalahok dito ang mahigit 280 academics at dalubhasa mula sa 30 bansa para magtalakayan hinggil sa pagpapasulong ng pagtatatag ng imprastrukturang pangkalakalan sa karagatan para maisakatuparan ang komong kaunlaran at kasaganaan ng mga may kinalamang bansa.

Noong 2013, iniharap ng Tsina ang dalawang proposal hinggil sa magkakasamang pagtatatag ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road na tinatawag ding "One Belt and One Road Initiative."

Ang land-based na Silk Road Economic Belt na nagsisimula sa Tsina ay dumadaan sa Central Asia at Rusya, hanggang sa Europa. Samantala, ang 21st Century Maritime Silk Road ay nagsisimula rin sa Tsina, patimog sa teritoryo ng mga bansa ng Timog-silangang Asya. Mula naman sa Malacca Strait, tumutungo pakanluran ang Maritime Silk Road sa mga bansa sa baybayin ng Indian Ocean. Pagkatapos, dumadaan ito sa Gitnang Silangan at Silangang Aprika at nag-uugnay sa land-based Silk Road sa Venice.

Photo source: Xinhua

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>