Nagpadala kamakailan ng mensahe si Kataas-taasang Lider Ali Khamenei ng Iran kay Pangulong Barack Obama ng Amerika bilang reaksyon sa katulad na aksyon ng huli, noong Oktubre. Ipinahayag minsan ni Pangulong Obama na kung mararating ang kasunduan sa talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran, inaasahan ng Amerika na makikipagtulungan sa Iran sa pagbibigay-dagok sa IS. Ang aksyon ng dalawang lider ay nagpapakitang posibleng mapahupa ang 30 taong-tagal na ostilong relasyon sa pagitan ng Amerika at Iran.
Ipinahayag kamakailan ni Obama na ang ika-31 ng Marso ay magiging deadline sa pagdating ng kasunduan sa isyung nuklear ng Iran. Sinabi niyang kung hindi mararating ang kasunduan ng mga may-kinalamang panig, isasagawa ng Amerika ang mga katugong hakbang para pigilin ang kakayahang nuklear ng Iran. Dagdag ni Obama, hindi niya isinasantabi ang posibilidad sa pagsasagawa ng paraang militar.