Sa kasalukuyan, nagsisikap ang Tsina at mga kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa upgrading ng Malayang Sonang Pangkalakalan ng China-ASEAN (CAFTA). Ang pagpapasulong sa konstruksyon ng imprastruktura ay mahalagang aspekto ng upgrading ng CAFTA. Maraming proyektong pangkooperasyon sa imprastruktura ang isinagawa o isinasagawa ng dalawang panig.
Halimbawa, ang Penang Bridge 2 ng Malaysia na pinasinayaan noong Marso, 2014 ay ang bunga ng pagtutulungan ng mga kompanyang Tsino at Malay.
Ang Chiang Khong - Huay Xai Bridge na nag-uugnay sa Thailand at Laos ay may puhunan ng mangangalakal na Tsino. Lumahok din sa konstruksyon ang kompanyang Tsino.
Sa ibang bansang ASEAN na gaya ng Pilipinas, Cambodia, Myanmar at Biyetnam na may katulad na kooperatibong proyekto, nakipagtulungan at patuloy na nakikipagtulungan ang mga bahay-kalakal na Tsino sa kanilang counterpart na lokal para sa konstruksyon ng lansangan, daambakal, daungan, paliparan, pabrika at iba pa.
Salin: Jade