Sinabi kahapon ni Liu Jieyi, kasalukuyang Tagapangulo ng UN Security Council (UNSC) at Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na dapat pahigpitin ng komunidad ng daigdig ang kooperasyon para magkasamang pigilan at bigyang-dagok ang terorismo.
Nang araw ring iyon, pinanguluhan ni Liu ang pulong ng UNSC para pakinggan ang ulat ni Bernardino Leon, Espesyal na Sugo ng Pangkalahatang Kalihim ng UN sa isyu ng Libya.
Bukod dito, idinaos ng UNSC ang closed-door meeting para talakayin ang kalagayan ng bansang ito.
Pagkatapos ng pulong, sinabi ni Liu na ang naturang kooperasyon ay dapat sumunod sa napagkaisahang istandard. Dagdag pa niya, dapat ding pahigpitin ng komunidad ng daigdig ang pakikipagtulungan sa pamahalaan ng mga bansa na biktima ng terorismo.