Sa Kota Bharu, lunsod sa Hilagang Silangan ng Malaysia—Sinimulan dito kamakalawa ang 2-araw na pulong ng mga ministro ng pananalapi ng 10 bansang ASEAN. Tinalakay ng mga kalahok ang mga kinauukulang hakbangin ng pagtatatag ng ASEAN Economic Community na naglalayong ibayo pang palakasin ang pagkakaisa ng kabuhayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya.
Ayon sa salaysay ng mga kalahok, ang pangunahing paksa ng naturang pulong ay pagtalakay ng ilang problema na kailangang lutasin sa proseso ng pagtatatag ng ASEAN Community, at pagharap ng mga kinauukulang mungkahi at hakbangin para magkaloob ng ginhawa sa paggawa ng kinauukulang desisyon sa gaganaping ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia, sa katapusan ng susunod na buwan.
Bilang tagapangulong bansa ng ASEAN Summit sa taong ito, iniharap ng Malaysia na pormal na ipapatalastas ang pagtatatag ng ASEAN Economic Community sa ika-31 ng Disyembre, 2015. Pero tinukoy ng kinauukulang personahe na unti-unting magiging mas mahirap ang konstruksyon ng ASEAN Economic Community, at may mas maraming kahirapan at hamon sa aspekto ng koordinasyon ng kapakanan sa huling yugto ng ganitong konstruksyon.
Salin: Vera