Nang kapanayamin siya ng mga mamamahayag, ipinahayag ni Huang Qiang, Kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) at Chief Researcher ng China Academy of Railway Sciences na marami ang mga gawain para sa konstruksyon ng daambakal na may kinalaman sa "One Belt One Road Initiative". Mayroong mga proyekto na isasagawa sa Biyetnam, Laos, Thailand at Kazakhstan. Ang pagtatatag ng daambakal ay mahalaga para sa pagsasagawa ng planong "One Belt One Road Initiative".
Aniya pa ni Huang na ang pagpapalitan ng mga kalakal ay mahalaga. Ang konstruksyon ng daambakal ay makakatulong sa pagpapalakas ng transportasyon sa Timog-Silangang Asya at Gitnang Asya.
salin:wle