|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling datos ng China-ASEAN Technology Transfer Center (CATTC), umabot na sa 1,188 ang miyembro ng Sentro mula sa Tsina at sampung bansa ng Association of Southeast Asia Nations (ASEAN). Kabilang dito, 354 na miyembro ay mula sa mga bansang ASEAN.
Mga ministro ng siyensiya at teknolohiya ng Tsina at mga bansang ASEAN sa pasinaya sa CATTC noong Setyembre, 2013 (photo source: CATTC website)
Napag-alamang kabilang sa pagtutulungan ng mga miyembro sa paglilipat ng teknolohiya ay makabagong agrikultura, bagong enerhiya at renewable energy, telekomunikasyon, pagtitipid sa enerhiya at pangangalaga sa kapaligiran.
Bukod dito, hanggang sa kasalukuyan, lumagda na ri ang CATTC at Thailand, Kambodya at Myanmar sa kasunduan para magkasamang maitatag ang kani-kanilang bilateral na sentro ng paglilipat ng teknolohiya.
Bilang pagpapatupad sa China-ASEAN Science and Technology Partnership Program, pinasinayaan ng mga ministro ng siyensiya at teknolohiya ng Tsina at mga bansang ASEAN ang CATTC, noong Setyembre, 2013. Ito ay nakabase sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi sa dakong timog ng Tsina. Sa pagtataguyod ng CATTC, idinaraos ang taunang Forum on China-ASEAN Technology Transfer and Collaborative Innovation sa Nanning.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |