Noong katapusan ng 2014, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang estratehiya ng "Four Comprehensives" upang mapasulong ang pambansang kaunlarang panlipunan at pangkabuhayan. Kabilang dito ay komprehensibong pagtatatag ng katamtamang masaganang lipunan, komprehensibong pagpapalalim ng reporma, komprehensibong pagpapasulong ng pamamahala ayon sa batas, at komprehensibong buong-higpit na pangangasiwa sa Partido Komunista ng Tsina (CPC). Nagsisilbi itong tampok sa kasalukuyang idinaraos na taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), punong lehislatura ng bansa at sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), punong organong tagapayo ng bansa.
Ipinalalagay ni Wang Changjiang, miyembro ng CPPCC at Propesor mula sa Party School ng Komite Sentral ng CPC na ang komprehensibong buong-higpit na pangangasiwa sa CPC ay masasabing batayan sa pagpapasulong ng "Four Comprehensives."
Wang Changjiang, miyembro ng CPPCC at Propesor mula sa Party School ng Komite Sentral ng CPC
Ipinagdiinan ni Wang na ang katiwalian ay ang pangunahing problema sa pangangasiwa ng CPC sa sarili bilang naghaharing partido ng Tsina. Upang malutas ang isyung ito, kailangang pasulungin ang mekanismo ng superbisyon sa iba't ibang label. Idinagdag pa niyang masasabing sa inisyal na yugto ang pambansang programa ng pakikibaka laban sa korupsyon at sa susunod na yugto, inaasahang pipigilin ng bansa ang ugat ng katiwalian.
Salin: Jade