Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga banyaga, interesado sa halalan sa Pilipinas sa 2016

(GMT+08:00) 2015-03-12 12:09:44       CRI

MAAASAHAN ang Estados Unidos na magpaparamdam sa darating na halalan sa Mayo, 2016 tulad ng mga ginawa nila noong mga nakalipas na halalan. Sa nagaganap sa Mamasapano, lalong hindi kakayahin at magiging prayoridad ng Pilipinas na harapin ang mga Tsinong nagtatayo ng mga pulo sa gitna ng South China Sea.

Ito ang pagsusuri ni Malou Tiquia, isang political analyst sa Pilipinas sa kanyang lecture sa Tower Club kaninang umaga. Dapat umanong maging prayoridad ng pamahalaan ang pag-aayos ng Armed Forces of the Philippines at maging kakayahan ng Philippine National Police. Kailangang magkaroon ng makabagong kagamitan sa komunikasyon upang huwag mapahamak ang madla.

Interesado ang Tsina, ang America at maging European Union sa idaraos na halalan at mas makabubuting mabantayan ang mga ginagawa ng mga nasa pamahalaan at mamamayang Filipino.

Ang Amerika ay magiging interesado sa darating na halalan tulad ng iba't ibang bansa na may mga kalakal sa abansa. Mas makabubuting bantayan ng pribadong sektor ang nagaganap sa bansa tulad ng ginagawa ng Joint Foreign Chambers of Commerce sa kanilang "Arangkada" na nagsuri sa mga palatuntunan ng Aquino administration sa nakalipas na apat na taon.

Samantala, sinabi ni Ambassador Guy Ledoux na bukod sa interes ng iba't ibang bansa na maghari ang kapayapaan sa Mindanao, nararapat itong maging prayoridad ng mga Filipino at ng bansang Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Ambassador Ledoux na ang anumang kaguluhan sa alinmang bahagi ng Pilipinas ay makasasama sa imahen ng bansa at magkakaroon ng epekto sa foreign investments at sa ekonomiya ng bansa.

Kahit pa may naganap na madugong sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao noong nakalipas na Enero 25, tuloy pa rin ang peace process sapagkat pinag-uusapan pa sa senado at kongreso ang Bangsamoro Basic Law.

Umaasa ang pinuno ng European Delegation sa Pilipinas na sa oras na matapos ang pagsisiyasat, maaayos na naman ang daan at makapagpapatuloy ang nabalam na peace process.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>