|
||||||||
|
||
Sumakabilang-buhay kahapon si Xu Caihou, dating pangalawang tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng Tsina, dahil sa kanser sa pantog.
Batay sa Criminal Procedure Law ng Tsina, nagpasiya ang mga taga-usig na militar na hindi na isakdal si Xu, pero, hahawakan ang suhol na tinanggap niya, batay sa batas.
Makaraang matapos ng mga taga-usig ang imbestigasyon sa kaso ni Xu noong ika-27 ng Oktubre, sininulan nila ang mga prosidyur para ihain ang kaso sa korte.
Ayon sa imbestigasyon, sinamantala ni Xu ang bentahe ng kanyang posisyon para tulungan ang ilang tao na magkaroon ng promosyon at sa paraang ito, tumanggap siya mismo ng suhol, o sa pamamagitan ng kanyang pamilya.
Pinatalsik si Xu mula sa Partido ng Komunista ng Tsina (CPC) at inalisan ng ranggong militar bilang heneral.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |