Isinapubliko kamakalawa ng website ng Ministring Panlabas ng Hapon ang isang mapa na inisyu ng Tsina noong 1969 kung saan nakalagay ang "Pinnacle Islands." Kaugnay nito, tinukoy kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Diaoyu Islands at mga pulo sa paligid ay katutubong teritoryo ng Tsina. Hinding hindi aniya mapapalitan ang katotohanang ito, batay sa isa o dalawang mapa lamang.
Ani Hong, ang Diaoyu Islands at mga pulo sa paligid ay katutubong teritoryo ng Tsina, ito ay di-mapapabulaanang katotohanan na may lubos na batayang pangkasaysayan at pambatas. "Kung kailangan, hahanap ako ng isang daan, maging isang libong mapa kung saan malinaw na nakalagay na ang Diaoyu Islands ay nabibilang sa Tsina," dagdag pa ni Hong.
Salin: Vera