Sa Taunang Pulong ng Mataas na Porum hinggil sa Pag-unlad ng Tsina sa 2015, isiniwalat kahapon ni Jin Li qun, Pangkalahatang Kalihim ng Pansamantalang Sekretaryat ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), na lalampas sa 35 ang bilang ng mga bansang may intensyong maging miyembrong tagapagtatag ng AIIB. Aniya, isasagawa ng AIIB ang zero-tolerance sa korupsyon, at magsisikap ito para mapasulong ang berdeng kabuhayan at low-carbon economy.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Jin na ang pagtataguyod ng Tsina sa pagtatatag ng AIIB ay naglalayong bigyang-kasiyahan, hangga't makakaya, ang napakalaking pangangailangan ng imprastruktura sa rehiyong Asyano, sa pamamagitan ng pangingilak ng pondo. Sa pagsasabalikat ng mas maraming responsibilidad, pasusulungin ng Tsina ang kooperasyon sa rehiyong ito. Winiwelkam ng Tsina ang pagsasagawa ng kooperasyon ng mga organong pinansiyal at mamumuhunan sa Hilagang Amerika, Europa, at iba pang rehiyon, para magkakasamang makinabang sa pag-unlad ng rehiyong Asyano.
Salin: Li Feng