Sa pakikipag-usap kahapon sa Beijing sa kanyang Thai counterpart na si Pornpetch Wichitcholchai, ipinahayag ni Zhang Dejiang, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina(NPC), na ang relasyon sa pagitan ng Tsina at Thailand ay parang relasyon ng magkapatid. Pinahahalagahan aniya ng NPC ang pakikipagtulungang pangkaibigan sa organong lehislatura ng Thailand. Dagdag pa niya, nakahanda ang Tsina na ibayo pang papalimin ang pagpapalitan ng dalawang panig, at magpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa mga mainam na karanasan sa administrasyon, paggawa ng batas at superbisyon.
Ipinahayag naman ni Pornpetch Wichitcholchai na binibigyan ng Tsina ng suporta ang isinasagawang reporma ng Thailand, at kasalukuyang pinapasulong ng dalawang bansa ang mga proyekto ng daambakal. Nakahanda ang kanyang organo na pasulungin pa ang pakikipagtulungan sa NPC para palalimin ang relasyong pangkapatid ng dalawang bansa, dagdag pa niya.