Nag-usap kahapon sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at dumadalaw na Pangulong Joko Widodo ng Indonesia. Nilagom ng dalawang lider ang matagumpay na karanasan sa pagpapasulong ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa, at inilarawan din nila ang direksyon ng pagtutulungang tatahakin sa hinaharap. Positibo ang dalawang panig sa ibayo pang pagpapalakas ng estratehikong partnership ng Tsina at Indonesia, at paggawa ng kani-kanilang ambag sa pangangalaga sa katatagan at kasaganaan ng rehiyon at daigdig.
Ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ang pagtanggap sa pagdalaw ni Pangulong Joko Widodo sa Tsina at pagdalo sa 2015 Boao Forum for Asia. Umaasa aniya siyang lalo pang lalakas ang estratehikong pagtitiwalaan ng dalawang bansa, hihigpit ang pagpapalitan sa mataas na antas, at aangat ang pagpapalitan ng mga partidong pampulitika at pagpapalitan sa karanasang administratibo ng pamahalaan.
Ipinahayag naman ni Joko Widodo na bilang mapagkaibigang magkatuwang at malaking umuunlad na bansa sa daigdig, may pag-asang gaganap ng mas positibo at mahalagang papel ang Tsina at Indonesia sa mga masalimuot na kalagayan at suliranin ng daigdig.