Ipinatalastas kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bilang kinatawan ng panig Tsino, lalahok si Pangalawang Pangulong Li Yuanchao sa state funeral ni Dating Punong Ministro Lee Kuan Yew ng Singapore na idaraos bukas ng hapon.
Ayon naman sa panig Singaporean, bukod sa pangalawang pangulong Tsino, lalahok din sa state funeral ni Lee Kuan Yew ang lider ng mga ibang bansa na gaya ng Thailand, Indonesya, Kambodya, Laos, Myanmar, Timog Korea, Australya, Indya, Hapon, at iba pa.
Salin: Liu Kai