SINABI ni Pangulong Aquino na nakikiisa siya sa sambayanang Filipino sa paggunita ng Mahal na Araw.
Sa mensaheng inilabas ng Malacanang, isang pagpapagunita sa madla ng walang-hanggang pagmamahal ng Panginoong Diyos na siyang natampok sa kanyang pangako ng kaligtasan at pagkabuhay na muli.
Napapaloob ang mensahe ng pagmamahal, paglilingkod sa kapwa at pagpapakasakit na inaasahan niyang magiging gabay at inspirasyon sa mga mamamayan na daluhan ang pangangailangan ng mga aba.
Isang malaking hamon sa madla ang pagsunod sa mga aral ng Panginoong Hesukristo, dagdag pa ng pangulo.