NAKAHARAP ni Philippine Ambassador to Japan Manuel M. Lopez ang limang mangingisdang mga Filipinong mula sa Itbayat, Batanes kahapon.
Nailigtas ang mga mangingisda, paninirahan sa Japan at pagbabalik sa Pilipinas sa pamamagitan ng magandang relasyon ng dalawang bansa, ng US Navy at ng US Embassy sa Tokyo.
Nailigtas sina Glenford Guitierrez Villa, Jonas Salamagos Manzo, Joseph Castillejos, James Cano Bata at Froilan Ibanez Libaton matapos magpalutang-lutang sa karagatan ng may apat na araw at tatlong gabi bago sila nailigtas ng USS Blue Ridge, isang flagship vessel ng US 7th Fleet noong ika-25 ng Marso. Dumating sila sa Yokohama noong ika-30 ng Marso at dinala ng mga tauhan ng Estados Unidos sa Embahada ng Pilipinas sa Tokyo.
Nasira umano ang makina ng kanilang bangka samantalang pabalik na sila sa Itbayat. Nakita ng mga tauhan ng Blue Ridge ang isang maliit na bangkang may bandilang kulay orange. Hindi na kumain ang mga mangingisda at naubusan ng tubig na maiinom. Nabigyan sila ng first aid at napakain sa barko.
Nabigyan sila ng mga kailangang dokumento at nakaalis na sa Japan kahapon. Pabalik na sila sa Batanes ngayon.