Ipinahayag kahapon ni Aye Maung, Miyembro ng Pambansang Parliyamento ng Myanmar at Puno ng Rakhine Nationalities Development Party, na makikinabang ang mga kapitbansa ng Tsina mula sa ideyang "One Belt and One Road" na itinaguyod ng bansa. Kaugnay ng pagtatatag ng Asian Infrastructure Investment Bank, sinabi ni Aye Maung na makakatulong ito hindi lamang sa pagpapasulong ng konstruksyon ng imprastruktura, kundi rin sa katatagan at kaunlaran ng rehiyon.
Samantala, ipinahayag din niya ang pag-asang pahihigpitin ang pagtutulungan ng Tsina at Myanmar para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa purok-hanggahan.