Ipinahayag kahapon ni Marzieh Afkham, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Iran, na sa bagong round na talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran na posibleng idaraos sa ika-22 ng buwang ito, babalangkasin ng iba't ibang kinauukulang panig ang pinal na komprehensibong kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng Iran.
Sinabi ito ni Marziyeh Afkham sa preskon na idinaso ng Ministring Panlabas ng Iran.
Noong ika-2 ng buwang ito, narating na ang balangkas na kalutasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran, Uniyong Europeo(EU), at 6 na bansa na kinabibilangan ng Amerika, Britaniya, Pransiya, Rusya, Tsina at Alemanya. Ito ay naglatag ng pundasyon para sa pagdating ng pinal na komprehensibong kasunduan bago ang katapusan ng Hunyo.
Pero pagkatapos nito, sa magkakahiwalay na okasyon, ipinalabas ng Amerika at Iran ang "Plano ng Magkakasamang Aksyon" na mayroong magkakaibang nilalaman, at ang isyung ito ay nagdulot ng duda ng mass media. Ipinahayag ni Marzieh Afkham na dahil magkakaiba ang nilalaman ng naturang dalawang plano, kaya posibleng susuguiin ang pinal na komprehensibong kasunduanay ibabatay sa pundasyong nito.
Salin:Sarah