|
||||||||
|
||
SINABI ni OIC Secretary General Iyad Ameen Madani na dumalaw siya sa Pilipinas upang ipadama ang kanilang suporta mula sa kanilang samahan sa Philippine peace process at sa Bangsamoro Basic Law.
Sa isang press conference sa tanggapan ni Senate President Franklin M. Drilon, sinabi ni G. Madani na umaasa silang maipapasa ang panukalang batas at magiging katanggap-tanggap sa mga mamamayan upang magwakas na ang kaguluhan sa Mindanao.
Nakausap na umano nila ang mga kinatawan ng Moro Islamic Liebration Front at ng Moro National Liberation Front ng hiwalay at pinag-isa at nais ng madla ang katotohanan at nais ding maghari ang kapayapaan kaya't nais nilang magtagumpay ang kontrobersyal na Bangsamoro Basic Law.
Napakinggan na rin umano niya ang paninindigan ni Senate President Drilon at Senador Ferdinand Marcos, Jr., Speaker Feliciano Belmonte, Jr. at maging si Congressman Rufus Rodriguez.
Ipinaliwanag pa ni G. Madani na sila sa Organization of Islamic Cooperation ay magsisilbing tulay sa pag-itan ng iba't ibang grupo tulad ng kanilang pakikipag-usap sa Moro National Liberation Front. Nakausap na rin nila ang MILF at madadala ang magkakabilang-panig sa pag-uusap.
Niliwanag ni G. Madani na kung hindi maipapasa ang panukalang batas, masisiphayo ang karamihan at maaaring pagmulan ng tensyon at mauuwi sa kaguluhan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |