Bumigkas kahapon ng umaga (local time) si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mahalagang talumpati sa Parliamento ng Pakistan. Lubos niyang pinapurihan ang pagkakaibigan at kooperasyon ng Tsina at Pakistan. Binigyang-diin niyang dapat walang humpay na payamanin ng Tsina at Pakistan ang nilalaman ng "Community of Common Destiny" ng dalawang bansa para maisakatuparan ang kaunlarang may mutuwal na kapakinabangan at komong kasaganaan.
Bukod dito, isinalaysay ng Pangulong Tsino ang ideya ng mapayapang pag-unlad ng Tsina. Ipinahayag niya na sa mula't mula pa'y minamahal ng nasyong Tsino ang kapayapaan. Igigiit ng Tsina ang ideya ng kooperayon, at ang Tsina ay palagiang magiging maaasahang kaibigan at matapat na katuwang ng mga umuunlad na bansa.
Salin: Li Feng