SA ng kanyang ika-siyam na taong anibersaryo ng ordinasyon sa pagiging Obispo sa Sabado, ika-25 ng Abril, makakasama ni Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin M. Bagaforo ang may 500 mahihirap na mga bata sa isang feeding program sa Cotabato City. Magaganap ang pagdiriwang sa Our Lady of the Holy Rosary Parish.
Nagpasalamat ang mga pari sa pangunguna ni Fr. Dante Feria sa pagkakapili ng kanilang parokya para sa feeding program. Kasama rin sa programa ang mga kapisanang nakatatag sa mga parokya.
Isang pagpapatotoo lamang ito sa pagdiriwang ng "Year of the Poor" sa Arkediyosesis ng Cotabato. Sa paglulunsad nito, may mga programang ipatutupad tulad ng Feeding of the Poor, Zero Waste Management, Piso Serbisyo, Alay Kapwa, pagpapalawak ng Hapag-Asa at iba pang palatuntunan.
Kabilang sa mga layunin ng several corporal works of mercy ang pagpapakain sa nagugutom, pagpapainom sa nauuhaw, pagbibigay ng tahanan sa walang matirhan, pagdadamit sa walang saplot, pagdalaw sa bilanggo at maysakit at paglilibing sa yumao.
Naordenan siya sa pagka-obispo noong ika-25 ng Abril 2006 sa Notre Dame of Tacurong College sa Sultan Kudarat province.