Sa Jakarta, Indonesia — Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon kay Pangulong Thein Sein ng Myanmar, binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na palagiang pinakikitunguhan ng panig Tsino ang relasyon ng Tsina at Myanmar sa estratehiko at pangmalayuang pananaw. Nakahanda aniya ang panig Tsino na palakasin ang pakikipagpalitan sa Myanmar sa pangangasiwa sa estado at palalimin ang estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Thein Sein ang pasasalamat sa puspusang pagkatig at tulong na ibinibigay ng panig Tsino sa iba't-ibang larangan ng Myanmar. Sa bagong kalagayan, nagsisikap ang Myanmar para mapalalim ang mapagkaibigang pagpapalitan sa iba't-ibang lebel ng dalawang bansa at mapataas ang kanilang kooperasyon sa iba't-ibang larangan.
Nang mabanggit ang situwasyon sa kahilagaan ng Myanmar, binigyang-diin ng Pangulong Tsino na kinakatigan ng panig Tsino ang paglutas sa isyu ng kahilagaan ng Myanmar sa pamamagitan ng talastasang pulitikal.
Salin: Li Feng