Kinatagpo kahapon sa Beijing ni Pangalawang Pangulong Li Yuanchao ng Tsina si Ministrong Panlabas Wunna Maung Lwin ng Myanmar.
Sinabi ng ministrong panlabas ng Myanmar na sa ngalan ng pamahalaan at hukbo ng Myanmar, nagsadya siya sa Tsina para hawakan ang isyu ng pambobomba sa mga mamamayang Tsino sa hanggahan ng Myanmar at Yunnan ng Tsina. Idinagdag pa niyang sa kasalukuyan, nagkaroon na ng linaw ang totoong pangyayari at paparusahan ng Myanmar ang mga may pananagutan para maiwasan ang muling pagkaganap ng ganitong insidente.
Sinang-ayunan din ng mga ministrong panlabas ng Tsina at Myanmar ang magkasamang pangangalaga sa katatagan ng hanggahan ng dalawang bansa.
Noong ika-13 ng Marso, hinulog ng eroplanong militar ng Myanmar ang bomba sa teritoryo ng Tsina. Bunsod nito, namatay ang apat na sibilyang Tsino na nagsasaka sa bukirin ng tubo sa Nayong Dashuisangshu, Mengding Township, Dima County, Lunsod Lincang, Yunnan, lalawigan sa hanggahan ng Tsina at Myanmar.