Sa Great Hall of the People, Beijing—Nakipagtagpo dito ngayong araw si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Pangulo ng bansa, sa delegasyon ng Union Solidarity and Development Party ng Myanmar na pinamumunuan ni Tagapangulo Shwe Mann.
Binigyang-diin ni Xi na matibay ang pundasyon ng pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Myanmar at malakas ang pagkokomplemento ng dalawang bansa. Napakalaki rin aniya ng nakatagong lakas nito. Aniya, ang paggigiit sa mutuwal na kapakinabangan at win-win situation ay mahalagang simulain ng pagpapalitan at pagtutulungang panlabas ng Tsina. Umaasa aniya siyang maayos na hahawakan ng kapuwa panig ang mga kahirapan at problema sa proseso ng kooperasyon, batay sa pundamental at pangmalayuang kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at igagarantiya ang tumpak na direksyon ng kanilang kooperasyon.
Ipinahayag naman ni Shwe Mann ang pasasalamat ng Myanmar sa pagtulong ng panig Tsino nitong nakalipas na mahabang panahon. May determinasyon aniya ang Myanmar na mainam na paunlarin ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa.
Salin: Vera