NAGHAHANDA ang Embahada ng Pilipinas sa New Delhi na magpadala ng isang koponan sa Nepal upang tulungan ang mga Filipino na apektado ng malakas na lindol noong Sabado.
Ayon kay Foreign Affairs Asst. Secretary Charles Jose may dalawang Filipino mountaineers ang nasa Mt. Everest at kinalalang sina Jessica Ann Nicole F. Ramirez at Jose Francisco C. Oracion. Nagmula sila sa Everest base camp upang magbakasyon bilang mountaineers at nanirahan sa Khwopa Guest House sa Bhaktapur, Katmandu. Nakarating na sila sa Durbar Square at ligtas na sa anumang kapahamakan. Pagtatangkaan ng mga tauhan ng embahadang madala sila sa paliparan o sa konsulado.
Idinagdag pa ni G. Jose na halos 200 mga Filipino ang nasa Nepal ayon sa pagtataya ng Embahada ng Pilipinas. Walang sinumang nabalitang nasugatan sa lindol ayon sa ulat ng Filipino Community sa Katmandu.