Sa isang news biefing na idinaos kahapon sa Kuala Lumpur, sinabi ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia, na komprehensibong pasusulungin ang turismo ng ASEAN.
Winika ito ni Najib pagkaraan ng seremonya ng pagbubukas ng Ika-26 na ASEAN Summit na ginanap nang araw ring iyon. Ani Najib, magsisikap ang ASEAN para mapasulong ang komprehensibong pag-unlad ng turismo ng ASEAN bilang isang bagong growth point ng kabuhayan ng ASEAN.
Dagdag pa niya, ang pag-unlad ng turismo ay angkop sa kapakanan ng iba't-ibang bansang ASEAN.
Salin: Li Feng