Ayon sa impormasyong ipinalabas kagabi ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, pasisimulan ng Tsina ang ika-2 round ng pagbibigay-tulong sa nilindol na purok ng Nepal. Anito, upang katigan ang gawaing panaklolo ng Pamahalaan ng Nepal, ipinasiya ng Pamahalaang Tsino na patuloy na magkaloob ng mga pangkagipitang relief material sa nilindol na purok ng Nepal na nagkakahalaga ng 30 milyong Yuan RMB.
Ipinahayag kahapon ng grupong medikal ng Pamahalaang Tsino na pagkaraang dumating ng Kathmandu kamakalawa ng umaga, agaran itong nagkaloob ng tulong medikal sa mga apektadong mamamayan doon. Hanggang sa kasalukuyan, tinanggap at ginamot nito ang ilang daang nasugatan.
Salin: Li Feng