Ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na may responsibilidad ang Amerika at Hapon na igarantiya na ang kanilang alyansa ay hindi dapat makapinsala sa kapakanan ng ika-3 panig at kapayapaan at katatagan ng rehiyong Asya-Pasipiko.
Inilabas kamakalawa ng Amerika at Hapon ang bagong U.S.-Japan Defense Cooperation Guidelines para kanselahin ang limitasyon sa saklaw na heolohikal ng kanilang kooperasyon.
Bukod dito, ipinahayag ng Amerika at Hapon na ang naturang bagong guidelines ay maisasagawa sa Diaoyu Islands o tinatawag na Senkaku Islands ng Hapon.
Kaugnay ng isyu ng Diaoyu Islands, inulit ni Hong na ang Diaoyu Islands ay nabibilang sa teritoryo ng Tsina. Sinabi pa niya na may determinasyon ang sentral na pamahalaan at lahat ng mga mamamayang Tsino sa pangangalaga sa kabuuan ng soberanya at teritoryo.