Pagkaraan ng kanyang pakikipag-usap kahapon sa White House kay Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon, inulit ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos ang pangakong panseguridad sa Hapon. Tumanggi naman si Abe na ihingi ng paumanhin ang mapanalakay na kasaysayan at isyu ng "comfort women."
Sa isang magkasanib na news briefing na idinaos pagkaraan ng naturang pag-uusap, ipinahayag ni Obama na naging "absolute" ang pangakong panseguridad ng Amerika sa Hapon. Inulit niya na ang ika-5 probisyon ng "Treaty of Security and Safeguard Between Japan and United States" ay sumasaklaw sa lahat ng administratibong lawak ng Hapon na kinabibilangan ng Diaoyu Islands.
Dagdag pa ni Obama, ipinalalagay niya na ang malakas na relasyong pang-alyansa ng Amerika at Hapon ay hindi dapat ituring bilang "probokasyon." Winiwelkam aniya ng Amerika ang "mapayapang pag-ahon" ng Tsina.
Salin: Li Feng