IPINARATING ng Pamahalaan ng Pilipinas ang pakikiramay sa Pamahalaan at mga mamamayan ng Nepal sa malawak ng pinsalang idinulot ng malakas na lindol na umabot sa 7.9 magnitude noong Sabado.
Anang Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, sa oras na kagipitan, ang Pilipinas at mga mamamayan nito ay nakikiisa sa mga kapatid mula sa Nepal. Nakikiisa ang mga Pilipinas at mga mamamayan nito sa sakit at pagdadalamhati sanhi ng kalamidad.
Nakikiisa rin ang Pilipinas sa pandaigdigang komunidad sa pagtatangka ng Nepal na mailigtas ang mga sugatan at maisaayos ang buhay at maibangon ang mga komunidad. Handa ang Pilipinas na magpadala ng humanitarian, financial at iba pang assistance sa mga taga-Nepal.
Naniniwala ang Pilipinas na sa tatag ng kalooban ng mga taga-Nepal ay malalampasan ang pagsubok na ito sa pinakamadaling panahon.