Sa Panghsang, kapital ng Wa ethnic group sa hilagang Shan state — Natapos kahapon ang anim (6) na araw na pulong ng mga lider ng sandatahang lakas ng pambansang minoriya ng Myanmar. Ipinalabas nila ang komunike na nananawagang lutasin ang isyu ng digmaang panloob sa pamamagitan ng diyalogong pulitikal.
Dumalo sa naturang pulong ang mga lider ng 12 sandatahang lakas ng pambansang minoriya na gaya ng Karen National Union (KNU), Kachin Independence Army (KIA), at United Wa State Army.
Salin: Li Feng