Ipinahayag kahapon ni Sumlut Gun Maw, Punong Negosyador ng Kachin Independent Organization (KIO) ng Myanmar, na ang pagpapasulong ng prosesong pangkapayapan sa bansang ito ay nangangailangan ng patuloy na pagsisikap ng sandatahang lakas ng mga pambansang minorya at pamahalaan ng Myanmar.
Sinabi niya na pagkaraang isang taon at limang buwang pormal na talastasan, narating ang inisiyal na nagkakaisang posisyon sa panukala ng tigil-putukan ng Nationwide Cease-fire Coordination Team (NCCT), sa ngalan ng mga sandatahang lakas ng mga pambansang minorya, at Union Peace-Making Work Committee (UPWC), sa ngalan ng pamahalaan ng Myanmar. Upang opisyal na lagdaan ang pambansang kasunduan ng tigil-tupukan, sinabi pa niyang dapat patuloy na magsikap ang dalawang panig para rito.
Bukod dito, binigyang-diin niya na dapat lumahok sa talastasang pangkapayapaan ang lahat ng mga sandatahang lakas ng bansang ito.