Ipinahayag kahapon ni Marziyeh Afkham, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Iran, na magpakailanma'y hinding hindi tatanggapin ng Iran ang pagsasagawa ng tagalabas ng "espesyal na pagsusuri" sa instalasyong nuklear nito.
Ani Afkham, sa komprehensibong kasunduan sa isyung nuklear ng Iran na posibleng marating sa hinaharap, hinding hindi tatanggapin ng Iran ang alinmang espesyal na pakikitungo sa instalasyong nuklear nito. Tatanggapin aniya ng kanyang bansa ang pantay na trato ng ibang bansa, sa kondisyon ng pagsunod sa Non-proliferation Treaty.
Dagdag pa niya, isasagawa ng Iran ang malinawag na hakbangin sa instalasyong nuklear nito, bilang ganti-na-loob, magtatamasa ang Iran ng karapatan sa mapayapang paggagalugad ng enerhiyang nuklear.
Salin: Vera