|
||||||||
|
||
Ayon sa pahayagang "Iran" kahapon, ipinahayag ni Mehdi Asali, namamahalang tauhan ng Iran sa suliranin ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC), na umaasa ang kanyang bansa na mapapanumbalik ang katayuan ng bansa sa international oil market.
Sinabi ni Mehdi Asali na kung malalagdaan ang pinal na kasunduan tungkol sa isyung nuklear ng Iran, papasok ang maraming pondo at susulong ang modernong kaalaman sa industriya ng langis ng Iran, sa pamamagitan ng mga kompanyang pandaigdig. Ito aniya ay makakapagpataas sa kakayahan ng Iran sa pagpoprodyus ng langis at petrochemical, at sa gayo'y mapapataas ang proporsyon at katayuan ng Iran sa larangan ng enerhiya sa daigdig.
Sa kasalukuyan, inaasahan ng maraming bansa at kompanyang kanluranin, na pagkaraang alisin ang sangsyon laban sa Iran, mapapalakas ang pakikipagkooperasyon sa Iran sa larangan ng langis at natural gas.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |