Sa kauna-unahang pagkakataon, isinapubliko kamakalawa ng Memorial Hall of the Victory of the Anti-Japanese War and the Acceptance of the Japanese Surrender ang isang limang (5) minutong video ng pagbibigay-tulong ng Soviet Volunteer Group sa Tsina sa paglaban sa Hapon noong World War II. Ipinahayag ngayong araw ni Wu Jianhong, Puno ng naturang memorial hall, na pagkaraan ng ilang taong pagsisikap, nakolekta ng memorial hall ang mas maraming ebidensiya ng pananalakay ng tropang Hapones sa Tsina noong WWII, at unti-unting isasapubliko ang mga ito.
Ani Wu, sa pamamagitan ng pagdidispley ng memorial hall ng mga artikulo, relikya, sculpture, litrato, at iba pa, maipapakita ang magkakasamang pakikibaka ng mga mamamayang Tsino at pagdaigdigang puwersang nagmamahal sa kapayapaan, laban sa pasismo.
Salin: Li Feng