Nag-usap kahapon sa Moscow sina dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.
Binanggit ng dalawang lider ang selebrasyon ng ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng World War II. Anila, dapat alalahanin ang kasaysayan at pahalagahan ang kapayapaan, para lumikha ng magandang kinabukasan ng kapayapaan at kaunlaran ng sangkatauhan.
Nagpalitan din ng palagay sina Xi at Putin hinggil sa kooperasyong Sino-Ruso. Sumang-ayon silang pagsamahin ang Silk Road Economic Belt initiative na iniharap ng Tsina at usapin ng Eurasian Economic Union na itinataguyod ng Rusya. Itinakda rin nila ang plano ng pagpapalakas ng kooperasyon ng dalawang bansa sa enerhiya, komunikasyon, pinansyo, at iba pa.
Salin: Liu Kai