NAKURYENTE ang mag-amang Rogelio, 70 taong gulang at Neil Paa, 45 taong gulang, samantalang sinusuri ang bubong ng kanilang tahanan kahapon ng umaga sa paglapit ng bagong si "Dodong" o "Noul" sa kanilang lalawigan.
Ayon sa mga balita, karamihan sa mga nagsilikas mula sa dadaanan ng bagyo ang nagsimula nang umuwikagabi matapos bayuhin ni "Dodong" ang mga barangay sa baybay-dagat ng hanging aabot sa 220 kilometro bawat oras o 137 milya sa bawat oras.
Si "Dodong" ang ikapat sa pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa sa taong ito. Naglabas ng babala ang pamahalaan bago pa man sumapit ang bagyo kaya't hindi sila umaasa na magkakaroon ng mga masasawi dahil sa tinaguriang pre-emptive evacuation.
Ayon kay Sr. Inspector Mina Domingo, Aparri police chief, sinamantala ng mag-ama ang kawalan ng kuryente upang ayusin ang kanilang bubong. Nagkataon nga lamang na hindi nila alam na natalupan ang kable ng kuryente na sumayad sa yero. Ito ang dahilan ng pagkakauryente ng mag-ama, dagdag pa ng pulis.