Sa Mengzi, lalawigang Yunnan ng Tsina-Natapos dito kahapon ang pangalawang mataas na diyalogong militar ng Tsina at Biyetnam hinggil sa mga isyung panghanggahan.
Sa pakikipag-usap kahapon sa kanyang Vietnamese counterpart na si Phung Quang Thanh, ipinahayag ni Chang Wanquan, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina na hindi lamang pinalakas ng nasabing pagtitipon ang pagtitiwalaan at pagkakaibigan ng dalawang panig, kundi tiniyak din ang direksyong pangkaunlaran ng dalawang hukbo. Aniya, inaasahang tutupdin ng dalawang hukbo ang komong palagay na narating ng mga kataas-taasang lider ng dalawang bansa para palalimin ang pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, ibayo pang pasulungin ang relasyon ng dalawang hukbo, at pagtutulungan sa purok-hanggahan.
Ipinahayag naman ni Phung Quang Thanh na ang nasabing matagumpay na diyalogo ay magpapasulong sa pagtutulungan ng Tsina at Biyetnam. Pinahahalagahan aniya ng Biyetnam ang pakikipagtulungan nito sa pamahalaan at hukbo ng Tsina. Dagdag pa niya, nakahanda ang Biyetnam na magsikap, kasama ng Tsina, para ibayo pang ipagpatuloy ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa, palalimin ang kanilang pagtitiwalaan at palawakin ang kanilang pagtutulungan.