Ipinahayag kamakailan ng kapulisan ng Malaysia na binabalak ng Islamic State (IS) ang panghohostage at pandarambong sa bangko sa kanilang bansa.
Ayon din sa kapulisang Malay, ang layunin ng plano ng IS ay para matamo ang pondo para sa pangangalap at pagsasanay sa mga miyembro nito.
Noong nagdaang buwan, ilang dosenang suspek na terorista ang nadakip ng kapulisang Malay sa Kuala Lumpur at karatig na lugar.
Itinuturing ng pamahalaang Malay ang IS bilang organisasyong teroristiko. Nakahanda itong buong-tinding bigyang-dagok ang organisasyon.
Salin: Jade