TOKYO, Hapon--Ipinahayag kahapon ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon na makikipagtulungan ang kanyang bansa sa Asian Development Bank (ADB) para mapasulong ang konstruksyon ng imprastruktura sa mga bansang Asyano.
Idinagdag pa niyang binabalak ng Hapon na magkaloob ng 110 bilyong US dollars sa susunod na limang taon para sa nasabing proyekto. Ang ibubuhos na puhunan ng Hapon ay mas mataas ng 30% kumpara sa puhunan nito noong nakaraang limang taon.
Napuna ng mga tagapag-analisa na isinagawa ng Hapon ang nasabing desisyon makaraang simulan ng Tsina, kasama ang iba pang mahigit 50 miyembro, ang pagtatatag ng Asian Infrastructure Development Bank (AIIB). Ang misyon ng AIIB ay tulungan ang mga bansang Asyano sa pagpapasulong ng imprastruktura.
Hindi sumapi sa AIIB ang Hapon at Amerika.
Salin: Jade